FRATERNITAS
Anu bang makukuha mo pag sumali ka sa mga organisasyong katulad nito? may malakas bang impact sa buhay mo pag sumali ka dito? may maiitulong ba sa iyo to? Yaan ang mga bumalot sa isipan ko matapos kong sumali sa FRATERNITY.
Noong una. Highschool life. maraming mga kabataan ang uhaw sa pagsali sa mga fraternity at gang. nariyan ang TBS, TST, TAUGAMMA, M-5 at iba pa. maraming nagsilutangan sa amin nyang mga yan. Mga kabataang nabalot na ang isipan sa pagsali sa mga grupo grupo. Ang mga barkada ko ay sadyang napasali na rin sa mga ganitong mga samahan. Nung una ayaw kong magpaimpluwensya. sabi ko "Ayoko pre baka sumabit tayo jan" makick out pa tayo sa school" Bawal kasi amin ang meron fraternity. napakahigpit ng mga namumuno sa aming paaralan. Titignan kung may "SONDO" o ung mga peklat na galing sa piso o sigarilyo. Maraming ka batch ko ang natangal sa eskwelahan namin dahil nga sa mga samahang ito. Nahuli sila ng pinuno ng aming paaralan. Ayun nga sila ay pinatalsik sa aming eskwelahan. Kami ay naawa dahil ung iba naming ka batchmates ay natanggal na hindi naman talaga kasali sa samahan. Napatunayan ito sa mga pictures galing sa friendster..
Nung tumagal. nawala ng onti ang mga fraternity sa school namin pero. makalipas ang ilang araw. ayan nanaman. Ako ay napasali na sa fraternity at ito ay AKRHO. Nasali kami dito dahil sa barkada namin. Maganda daw ito, maayos at walang halong gulo. Nang papunta na kami sa lungga ng mga akrho aun na nga. nakaayos na, Malalakas na sound system. ang paddle at ang mga seniores na papalo sa amin. 5 kaming isasalang sa loob ng bahay.. Nang tinanong ko ang barkada ko. tol bakit may sound system pa. sabi nya. para di marinig ang pagpalo. Ayun na. dun na ako kinabahan dahil sobrang lakas ang ipapalo saakin. ang sabi ko nalang sakanya. tol ikaw na bahala saakin. Makalipas ang ilang minuto. nanghiram ako ng isang short sa barkada ko. para pangpakapal sa hita. ayun na nga. naganap na ang pag hahasting. BOOOOOOM. sobrang sakit. halos himatayin ako sa paghampas ng paddle sa hita ko.
halos magkaganyan ang hita ko. matapos ang session. ang saklap diba?. pagkatapos nyan. yan kinamayan ko na lahat ng myembro ng organisasyong sinalihan ko. "HAAAAAAAAAY" nakahinga ng maluwag..
Makalipas ang ilang araw. naisipisp ko bakit nga ba ako sumali sa ganito. Ayun nga. napatunayan kong may mga magandang naitutulong to saakin. dahil itong samahang nasalihan ko ay hindi mga panapon ang buhay. kung bago sila ang tumutulong sa mga baryo upang maiayos at magkaroon ng mga magagandang programa. Tulad ng libre tubig, palaro o liga ng basketball, ang paglilinis sa ilog ng marilao, ang libreng gupit, at ang alay lakad tuwing mahal na araw. yaan ang mga kaugaliang hindi ko nakalimutan sa pagging akrho, kaya ngayon handa ako sa inyong ipagmalaki na ako ay isang tunay na skeptron. I BORN I LIVE I DIE AS AN AKRHO..